sapagkat na nosebleed ako sa aking nakaraang post, filipino muna ang gagamitin ko ngayon. (sorry to my english friends)
karugtong:
kami ay umalis nga ng ala una ng hapon ngunit hindi kami umabot sa oras na dapat kaming nandoon kaya aming napagdesisyonan naming maglaro na lamang ng dota sa mga hindi nakakaalam ito ay isang larong pagnasimulan mo na laruin hindi mo na ito makakalimutan at lagi mo itong hahanapin.
nanalo ang aking koponan at ako ang bida siyempre hehehe. mortred ang gamit kong hero noon. ang sumunod na laban ay hindi natapos ngunit ako ay sinabaw ng larong iyon (sabaw=may topak).
sapagkat hindi nanaman kami umabot sa oras ng pagpapalabas ng SIMPSONS, ag videoke kami! isipin mo yun! 7 kaming lalaki hahaha! at siyempre hindi kami namiling matitinong kanta hahaha. kumanta ako ng stupid love ng salbakuta kasama si aldrin (my oh so Chinese friend) and mike (one of the futures of the tropa) nakascore kami ng 100! hahaha.
ang pinakatampok talaga ng videoke session na iyon ay ang ULAN- JUDE (screemo cover ng cueshe original) naiyak ako.. sa kakatawa. hahaha. pero napakahusay ng growl ni jude. napakagaling. wala ako masabi. hands down.
di lumaon nanood na rin kami ng SIMPSONS. kaso lagpas ala sais na hahahaha. biruin mo yun! tapos inulit pa namin hanggang kalahati. PANALO ang SIMPSONS! spider pig, spider pig, here comes the spider pig!^_______^
ayun lang. nung umuwi kami. lahat kami ay bagsak na. ngunit napakasaya talaga!:)
umuulan parin. kakalungkot. parang gaya ng sabi ni pon
